HomeBCH / USD • Cryptocurrency
add
Bitcoin Cash (BCH / USD)
Nakaraang pagsara
425.43
Sa balita
Tungkol sa Bitcoin Cash
Ang Bitcoin Cash ay isang salaping kripto. Sa kalagitnaan ng taong 2017, naghanda ng bagong code ang isang pangkat ng mga developers na may kagustuhang dagdagan ang limitasyon sa sukat ng bloke ng bitcoin. Natupad ang pagbabago, na tinatawag na isang hard fork, noong Agosto 1, 2017. Samakatwid, nahati sa dalawa ang salaping kripto at ang tawag sa bitcoin ledger na blockchain. Sa oras ng fork, lahat ng may hawak ng bitcoin ay naging may-aari rin ng parehong bilang ng mga yunit ng Bitcoin Cash.
Sa Nobyembre 15, 2018, nahati ang Bitcoin Cash at naging dalawang magkahiwalay na salaping kripto. WikipediaTungkol sa Dolyar ng Estados Unidos
Ang dolyar ng Estados Unidos, o dolyar Amerikano, ay ang opisyal na pananalapi ng Estados Unidos, na pinatupad ng Batas ng Sinsilyo ng 1762. Ito rin ang pananalaping reserba na ginagamit nang malawak sa labas ng Estados Unidos. Sa kasalukuyan, nasa pagpipigil ng sistema ng Pagbabangko ng Reserbang Pederal ang pagpapalabas ng pananalapi. Ang simbolo ng dolyar ang karaniwang simbolo para sa dolyar ng Estados Unidos. USD ang kodigo sa ISO 4217 para sa Dolyar ng Estados Unidos; tinutukoy din ng Pandaigdigang Pondong Pananalapi ito bilang US$.
Maraming uri ng salapi ay pinatupad ng Kongreso ng Estados Unidos paglipas ng mga taon, ang Salaping Reserbang Pederal na isinabatas sa taong 1913. Ang lahat ng mga umiiral na salapi ay pwede pang gamitin, pero ang mga dati pang papel de bangko ay tinigil ang pagpapagawa sa 1971. Sa resulta na ito, maraming mga pera na umiiral sa merkado ay mga salaping reserbang pederal, denominadong Dolyar Amerikan. Wikipedia