HomeIDR / USD • Currency
add
IDR / USD
Nakaraang pagsara
0.000061
Mga balita tungkol sa merkado
Tungkol sa Rupiah ng Indonesia
Ang rupiah ay ang opisyal na pananalapi ng Indonesia na nilalabas at kinokontrol ng Bangko ng Indonesia. IDR ang kodigong ISO 4217 para sa rupiah. Sa di-pormal na pananalita, ginagamit ng mga taga-Indonesia ang salitang "perak" sa pagtukoy sa rupiah. Nahahati ang rupiah sa 100 sen, bagaman hindi na ginagamit ang sen at namamayani na ang mga barya at papel de bangko dahil sa pagpintog ng salapi.
Nagkaroon ang pulo ng Riau at Irian Barat ng sarili nilang uri ng rupiah noong nakaraan, ngunit naging bahagi na ito sa pambansang rupiah noong 1964 sa Riau at 1971 sa Irian Barat. WikipediaTungkol sa Dolyar ng Estados Unidos
Ang dolyar ng Estados Unidos, o dolyar Amerikano, ay ang opisyal na pananalapi ng Estados Unidos, na pinatupad ng Batas ng Sinsilyo ng 1762. Ito rin ang pananalaping reserba na ginagamit nang malawak sa labas ng Estados Unidos. Sa kasalukuyan, nasa pagpipigil ng sistema ng Pagbabangko ng Reserbang Pederal ang pagpapalabas ng pananalapi. Ang simbolo ng dolyar ang karaniwang simbolo para sa dolyar ng Estados Unidos. USD ang kodigo sa ISO 4217 para sa Dolyar ng Estados Unidos; tinutukoy din ng Pandaigdigang Pondong Pananalapi ito bilang US$.
Maraming uri ng salapi ay pinatupad ng Kongreso ng Estados Unidos paglipas ng mga taon, ang Salaping Reserbang Pederal na isinabatas sa taong 1913. Ang lahat ng mga umiiral na salapi ay pwede pang gamitin, pero ang mga dati pang papel de bangko ay tinigil ang pagpapagawa sa 1971. Sa resulta na ito, maraming mga pera na umiiral sa merkado ay mga salaping reserbang pederal, denominadong Dolyar Amerikan. Wikipedia